Passer au Menu principal Passer au Menu de section
Tagalog
Ang Sanggunian ng mga Pamantayan sa Pagbobrodkas sa Canada (Conseil canadien des normes de la radiotélévision (CCNR)) ay isang malaya, hindi-gobyerno na organisasyon na tinatag ng l'Association canadienne des radiodiffuseurs (l'ACR) upang ipatupad ang tinatag ng mga miyembro nito na pamantayan sa pagbobrodkas. Kabilang sa mga miyembro ng Sanggunian ang higit sa 530 na mga istasyon ng radyo at telebisyon, mga serbisyong espesyalidad sa pribadong sektor at networks mula sa lahat ng dako ng Canada, na naghahatid ng mga programang sa Ingles, Pranses at mga iba pang wika. (Makikita ang listahan ng lahat ng mga miyembro ng CCNR at ang links sa kanilang websites, kung mayroon sila, sa pagclick sa “Radiodiffuseurs membres”.)
Ang CCNR ay gumaganap ng isang espesyal na tungkulin sa industriya ng broadcasting sa Canada. Tinatangkilik nito ang sariling pamamahala sa mga bagay hinggil sa programa ng pribadong sektor ng broadcasters sa Canada, at ito ang tumatalakay sa mga reklamo at tumutugon sa mga katungan ng madla tungkol sa mga programa ng private broadcasters ng Canada.
Ang isa sa mga pinakamahalagang layunin ng CCNR ay ipaalam sa madla ng Canada na may mga pamantayan sa pagbobrodkas at sistema ng sariling pamamahala na tinatag ng private broadcasters ng Canada. Upang malaman ng mas maraming tao at upang tiyaking umaabot ito sa dumaraming populasyong mula sa ibat-ibang kultura at nagsasalita ng ibat-ibang wika, ang CCNR, na pinondohan ng OMNI Television, ay sinalin itong mga impormasyon sa mga iba pang wika karagdagan sa Ingles at Pranses. Para tingnan ang listahan ng lahat ng mga wika na naghahandog ng impormasyon ang CCNR, iclick ang “Autres langues” sa kanang itaas nitong page.
Para matingnan ang mga karagdagang impormasyon na nakasulat sa Tagalog, mangyaring tingnan ang links sa kanang menu bar sa page na ito.
Para sa mga impormasyon na nakasulat sa Ingles at Pranses, mangyaring tingnan ang iba pa sa website na ito, na binahagi sa mga sumusunod na seksiyon (tingnan ang kaliwang menu bar):
À propos du CCNR :
Overview ng CCNR, ang kasaysayan nito, ang pangako nito sa mga Canadians, at ang espesyal na tungkulin nito sa industriya ng broadcasting sa Canada.
Les codes :
Ang kabuuan ng bawat alituntuning pinatutupad ng CCNR, kabilang ang kahulugan ng mga alituntunin at komentaryo sa mga kaso na pinairal ang mga alituntunin.[Nakasulat sa Tagalog ang mga pangkaraniwang tadhana.]
Les décisions :
Listahan ng mga desisyon ng CCNR na hinatol ng panels na pambansa o pangrehiyon, na may opsiyong hanapin ang mga desisyon sa pamamagitan ng pangalan, paksa o keyword.
Autres documents :
Ang kumpletong kasulatan ng mga taun-taung ulat ng CCNR, media releases, at sarisaring submissions at mga talumpati.
Déposer une plainte :
Ang bawat hakbang na pagpapaliwanag kung paano magharap ng inyong mga reklamo o ipaalam ang mga ikinababahala ninyo tungkol sa narinig ninyo sa radyo o nakita sa telebisyon. Nakasulat rin sa Tagalog itong impormasyon ngunit ang form para sa reklamo na maaaring sagutan para sa pagharap ng mga reklamo ay nakasulat lamang sa Ingles at Pranses.
Radiodiffuseurs membres :
Listahan ng lahat ng mga miyembro ng CCNR at ang kanilang websites na binahagi sa mga listahan ng Conventional TV, Specialty Services & National Television Networks at Radyo. Sa loob ng bawat isa, nakalista nang hiwalay ang mga miyembro batay sa probinsiya at lungsod.
Liens d'intérêt :
Listahan ng websites na puwedeng mapakinabangan o interesadong tingnan ng mga tumitingin.
Questions fréquentes :
Mga malimit na tinatanong na tinatalakay ang sarisaring issues tungkol sa CCNR at proseso sa pagpapatupad at sa pagharap ng reklamo.
Hinihikayat namin kayong tingnan ang aming website. Alamin kung ano ang ginagawa ng CCNR at ng mga miyembro nito upang sariling pamahalaan ang industriya ng broadcasting sa Canada. Malugod rin naming tinatanggap ang inyong mga puna.
